ENTERTAINMENT
Dennis, hindi namudmod ng 'pambili ng damit'
'Milagro' sa pagkatalo ni Piolo
Unang pelikula ni Dennis Trillo ang MMFF 2004 entry na Aishite Imasu. Sa gabi ng parangal ay tinanghal siyang best supporting actor para sa pagganap niya rito. Ang tinanghal na best actor ay si Christopher de Leon para sa Mano Po 3.
Sa Gawad TANGLAW, Kapuri-puring Katulong ng Aktor si Dennis Trillo para sa Aishite Imasu. Ang Kapuri-puring Aktor ay si Yul Servo para sa Naglalayag.
Sa 2nd GOLDEN SCREEN Awards ng Enpress, panalo si Dennis sa kategoryang Breakthrough Performance by An Actor para sa Aishite Imasu. Best Actor-Drama si Cesar Montano para sa Panaghoy sa Suba. Kabilang sa tinalo ni Cesar sa kategoryang ito si Piolo Pascual para sa Milan.
Sa 7th Gawad Sining-Sine ng PASADO, PinakaPasadong Actor si Dennis Trillo para sa Aishite Imasu, at PinakaPasadong Supporting Actor si Jay Manalo para rin sa Aishite Imasu.
At sa 21st Star Awards for Movies ng PMPC noong Sabado, Best Actor at Best New Movie Actor si Dennis Trillo para sa Aishite Imasu, at Best Supporting Actor si Jay Manalo para sa Mano Po 3.
Tinalo ni Dennis sa pagka-Best Actor sa Star Awards sina Jomari Yllana (Minsan Pa), Yul Servo (Naglalayag), Jericho Rosales (Santa-Santita) at Piolo Pascual (Milan).
Ang kampo nina Jomari, Yul at Jericho ay hindi nagpuputak sa pagkapanalo ni Dennis.
Ang kampo ni Dennis ay nagulat sa pagkapanalo nito.
Dumating kasi si Piolo sa Star Awards, at may nakapagsabi sa kanila na kapag um-attend si Piolo ay siguradong ito ang waging best actor.
Pero ‘yun nga… dumalo si Piolo sa Star Awards, pero hindi siya nanalong best actor.
MILAGRO?
Si Dennis at mga kapanalig niya ay hindi NAGBAYAD para makuha ang awards na Best New Movie Actor at Best Actor sa Star Awards.
Hin-di nila BINILI ang mga tropeong iyon… pero ipinagkaloob ang mga iyon kay Dennis.
MILAGRO?
***
Sino ang gumagawa ng MILAGRO? Nasaan ang MILAGRO?
Usap-usapan ng showbiz insiders, may mga nangampanya para maging best actor si Piolo sa Star Awards.
Binigyan UMANO ng P5,000 (sa iba’y P3,000?) ang ilang PMPC voting members para budget na pambili ng damit sa awards night (bagong bili, hindi na kailangang labhan, ‘di baleng marusing ang kasuotan, basta malinis ang kalooban?’) — MILAGRO?
Sa deliberation ng 25 PMPC voting members ay hindi nakatiis ang isang member na nabigyan ng P5,000 na pambili ng damit.
Hindi maatim ng kanyang konsensya na manahimik na lang, kaya idinulog niya sa mga kasama ang bagay na ito.
Lumutang ang punto: DAPAT BANG I-DISQUALIFY SI PIOLO bilang nominado sa kategoryang best actor, dahil may mga malalapit dito na NAGBIGAY ng pambili ng damit kuno sa ilang voting members?
Ang precedent ng disqualification ay ang kaso ni Marvin Agustin, na nag-press release na kesyo nominado siya sa PMPC Star Awards for TV gayong hindi pa nagbobotohan ang mem-bers kung sinu-sino ba ang nominado.
Sa botohan ng PMPC kung dapat bang i-disqua-lify si Piolo, 13 ang bumoto ng HINDI, 7 ang bumoto ng OO, at 5 ang nag-ABSTAIN.
Nanlumo ang isang member na bumoto para ma-disqualify si Piolo. Pero, wala na siyang magagawa.
Kagustuhan ng Diyos na huwag ma-disqualify si Piolo.
Nagbotohan na nga.
At sa gabi ng parangal, ang ini-announce ni Kris Aquino na best actor ay si DENNIS TRILLO.
May mga nagpalakpakan — kabilang si Jerry Olea (entertainment editor ng Abante TONITE) at ang mga kalapit nitong Vilmanians.
Ang nagwagi sa MMFF, TANGLAW, PASADO at ENPRESS ay nagwagi rin sa Star Awards.
Ang talunan sa TANGLAW, PASADO at ENPRESS na si Piolo Pascual ay talo na naman sa Star Awards.
MILAGRO?
***
Nasaan ang MILAGRO? Nasa puso ng voting members na nakatanggap ng pambili ng damit (P3,000, P5,000 o magkano man) mula sa kampo ni Piolo Pascual pero si Dennis Trillo pa rin ang ibinoto?
Ang MILAGRO ay nasa puso ng tao?
Pahayag ni Joe Barrameda, presidente ng PMPC, "Walang dayaan. Walang switching. Kung sino ang nagwagi sa botohan, ‘yun ang ini-announce sa awards night.
"Merong accounting firm na nagbilang ng mga boto. Makapagpapatunay sila na walang dayaan.
"Sa botohan kung idi-disqualify ba si Piolo dahil sa isyung bayaran, 13 ang bumoto para huwag siyang ma-disqualify.
"Hindi nangangahulugan na si Piolo rin ang ibinoto nila para best actor. Ibinoto lamang nila na huwag ma-disqualify si Piolo bilang nominee."

No comments:
Post a Comment