Monday, October 27, 2008

The Kikays









Friendship is a rare and precious commodity. If you have a friend, who truly understands you and accepts you despite your shortcomings, then you are the luckiest person in the world. I feel fortunate to have good friends.

A real friend is one who walks in when the rest of the world walks out.

A true friend is one who knows all about you and likes you anyway.

To have a good friend is one of the highest delights in life; to be a good friend is one of the noblest and most difficult undertakings.

Eto po ang kwento namin lagi na pala siyang nasa blog ko pero ni story namin wala pa kayong alam. 4 o maglilimang taon na po kaming magkaibigan nakita ko siya sa lokal namin dahil sa taglay niyang kagandahan, siya pala ang asawa ni Kuya Jeff. Di ko alam na sa tuwing dadaan siya sa harap ko o nakikita ko siya talaga titig na titig ako sa kanya ng isang araw ngumiti siya sa akin hehehe ilang buwan lang nalaman ko nanganak na siya at babae ang anak niya sabi kasi ng mama ko yung asawa ni Kuya Jeff yung maganda nanganak na at sa wakas may baby girl na rin sa family nila sabi nga ni ka becky tuwang tuwa siya nag karoon din ng girl sa family. Anyways nagpananalapi kasi siya kaya nagkataon sa pananalapi din ako P13 siya din pala sa P13 hanggang nag katanungan ng name, kwnetuhan a ayun kuhanan ng number di ko lam kung gel or ate gel tatawag ko sa kanya hanggang sa nabuo namin ang samahang LING short for TILILING... Nagkasundo kami sa mga bagay na nagpapaligaya sa amin hehehe si nica...si darna kung tawagin pa namin. Sa tuwing nag kikita kami di kami nauubusan ng kwento magkatext na kami ng lagay na yan. Si mama halos kurutin na kami sa singit dahil kaming 2 pagnagsama naku kala mo lahat ng isyu sa mundo alam namin. Nga pala kung makikita mo kami wag kang dadaan kung ayaw mong magpagtawanan (biro lang)...Kung malungkot ako sa kanya ako tumatakbo, tinuring na rin siya anak ng mama ko dahil lam ni mama malayo siya sa QC para tumakbo kung sakaling nalulungkot. Sa kanya ako lumalapit pag may kailangan ako lalo na sa paglalakad ng papers ko. Tagapangtanggol ko yan sa lahat ng nang aaway sa akin pero di niya inaaway naasar lang din siya gaya ko kasi mabait yan, napaka maawain na tao niyan. sa tuwing may date kami bukod sa kanya na ang sasakyan siya pa nagpapakain sa akin. Di siya maarteng tao yun nagustuhan ko sa kanya kasi napakasimple niya yun lang kasi sosyal ng itsura niya. Naku wag niyo pala aawayin baby niya gggrr lagot kayo sa amin ng mama ko :)

Yan ang tinuring ko kapatid na babae since wala naman ako ate o bunsong kapatid na babae... dami kaming pangarap nun na maniwala kayo sa hindi medyo natutupad na namin hehe...madami pa akong kwento tungkol sa amin siguro sa uulitin dahil walang katapusan ang pagiging magkaibigan namin 2

No comments: