Thursday, January 22, 2009

Sorry medyo busy sa buhay



Nag uupload kasi ako sa isang kong account at medyo kakacheck ko na mga past pictures even video nakita ko tong isang toh medyo nainteresado ako idownload din siya sa blog ko.

-------------------------------

Lately napapansin na bumubuti na ang condition ko sabi nga nila pagnakalagpas ka na sa 1st trimester salamat at tapos ka na sa paghihirap kaya ng pagsusuka, paglilihi, ngayon kasing month na toh medyo mababawasan na yun mga ganun feeling at lahat nga makakain mo na di ka na magiging pihikan sa pagkain, kung susuka ka man di na ganun kadalas. Ngayon ay dadako na ang aking pagbubuntis sa 2nd trimester kung saan maya't maya gutom ka, kung saan mamumulubi na sa pagkain ang iyong mahal sa buhay dahil lahat eh nauubos muna, . pero eto daw ang trimester kung saan takot na takot ang asawang lalaki dahil dito sila kakatakot sa saradong tindahan upang pagbentahan ng pagkain na hinahanap ng kanilang MATAKAW na asawa...pero swerte pa naman si Hubby at di pa siya kumakatok, umuuwi lang pag lunch para iuwi ang Regular Yum Burger take note ng Jollibee.

Maiba naman tayo, kahapon ay nag leave si Hubby upang samahan ako at finally makilala niya na si Dra. Dana ang aking OB napaka bait at ganda. Kahapon ang may mga bago na naman akong iinuming gamot na kanyang nireseta kasi naman hirap pala asthma ang kapartner mo habang buntis ka :( kawawa naman si Baby Magat. Kahapon din nalaman namin na need ko mag under GO sa 2d echo with dubbler o dubber ang tawag dati kasi nirecommend ako ng __ mag ECG at mag 2d echo ECG lang ang ginawa ko kasi naman regular na ako sa __ noon kaya ayun at mahal kaya ng 2d echo kaya di ko din ata tinuloy ECG lang. Sabi ni Dra. pag may Heart problem ako mahirap imanage ang ganun case daw dahil its either ako ang mag suffer or si baby magat (di ko naman ata hahayaan mangyari na siya mag suffer, ako na lang).

After naman niya sa 2nd week ng February need ko naman mag pa screening ng kanyang WHOLE BODY kung anu na condition at itsura niya sa loob magkano naman kaya yun :(

Salamat sa aking asawa na walang sawang sumusuporta at nandyan lagi para magbayad :)

1 comment:

Anonymous said...

wow buti naman 2nd trimester ka na. nakaktulong tong pagbabasa ng blogs mo kasi natututo kaming di pa dumadaan diyan. take care of yourself and baby magat. have you thought of a name? :)