Monday, December 22, 2008

by request

o ayan para sa mga taong nag fofollow ng aking mumunting blog at dahil na rin sa request ko sa aking YM at Yahoo mail eto na po at ako po ay mag uupdate :)

Medyo kinatatamaran ako ang mag computer ngayon mas gusto ko pang matulog at mag watch ng DVD tagalog, english, suspense, action wag lang horror kasi mag isa lang ako sa bahay naiiwan at nanood. Sa ngayon ay busy ako sa pag oorganize ng socializing sa aming lokal kung saan gaganapin ang mga ito sa aming munting palasyo ang aking asawa, linis dun, balot ng gift, nagpapalit ng curtain, nag papalinis ng buong bahay...last time din ako ay may alagang bata at siya naman ay di mahirap alagaan basta watch lang si harry potter hmmm kilala mo na kung sino ka. Medyo busy din sa pamimili ng pang raffle at prizes para sa gaganaping socializing sa friday, mga pang regalo sa kaibigan, at kamag anak at pamilya hmm pero di pasko sa puso ko ah sanay lang ako nag reregalo sa tuwing matatapos ang taon at sa tuwing kaarawan ng bawat taong malapit sa akin minsan lang nakakalimutan kong mag regalo kasi malayo ang taong reregaluhan ko pero i assure ko di ko makakalimutan ang kaarawan mo basta alam ko :)

Ngayon ay nasa stage ako ng maselan sa pag bubuntis pero laking pasasalamat ko kasi ang aking butihing asawa ay napakabait at napaka maalalahanin siya ngayon ang nag aasikaso sa aming bahay, sa akin, sa kanyang sarili. Dati ako ang yaya niya ngayon siya ang aking yayo umaga pa lang gigising na yan hahalik sa akin at mag aasikaso na pero pag di niya naman kaya BHEEEEEEEEEEEEE ayan ang maririnig mo hmmm... pero lahat ng gusto ko o request dali dali niyang binibili at talaga minsan halos gusto niya ng umiyak dahil sa hirap ng request pero lagi niyang iniisip ang makulit na baby sa aking tummy.

wala din pala akong mga latest photos kasi ang panget ng muka ako at katawan puro allergy :( at muka daw akong haggard sa itsura...

3 comments:

aajao said...

boo! >:(

Anonymous said...

MERRY CHRISTMAS FROM MY FAMILY TO YOURS!

KURI, WIFEY AND LILO

punky said...

mabuhay ang pinoy blogs!