
Bandang alas 10 kaninang umaga sa Antipolo Doctors Hospital ay idineklarang dead on arrival ang young actor at Starstruck Nationwide Invasion Sole Survivor na si Marky Cielo.
Ayon sa paunang salaysay ng kanyang ina na si Mildred Cielo, natagpuan niyang nakahandusay ang kanyang anak sa kanilang tahanan sa Antipolo, Rizal, at agad niya itong isinugod sa ospital. Sa ngayon ay hinintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon sa sanhi ng pagpanaw ni Marky Cielo bago magbigay ng opisyal na pahayag ang kanyang pamilya.
Tubong Mountain Province at may lahing Igorot si Marky Cielo, at itinanghal na Sole Survivor sa Season 3 ng Starstruck. Hinangaan siya sa kanyang husay sa kanyang pag-arte at pagsayaw.
Huli siyang napanood sa Startok, SOP, at La Lola. Siya rin ang tumatayong Youth Spokesperson ng Department of Health.
Si Marky Cielo ay 20 years old. Bukod sa mga panalangin, humihiling ang pamilya Cielo ng privacy sa matinding dagok na to sa kanilang buhay.


2 comments:
Grabe noh. Ang bata pa naman niya.
yup at bait pa...at talagang wala kang maririnig na bas issue sa kanya unlike M.H playboy daw!!!ganun.
Post a Comment